Dahil sa kakareklamo at hindi makasundo ng mga co-stars, baguhang seksi aktres titigbakin na sa isang serye

PIK: Malaki na ang ipinagbago ni Kylie Padilla nang humarap ito sa presscon ng bagong Dramarama sa Hapon ng GMA 7 na Blusang Itim na siya ang bida.

Dati iniiwasan pa niyang pag-usapan at takot na takot pa kapag tungkol kay Aljur Abrenica, ngayon ay okay lang sa kanya at consistent ito sa sagot niyang talagang magkaibigan lang sila ng young hunk actor.

Hindi naman nakakaapekto sa friendship nila ang isyu sa kanilang dalawa. Basta si Aljur pa rin ang pinakamalapit na lalaki sa kanya.

Nang mag-usap sila ng Papa Robin Padilla niya, nangako siyang hindi muna magbo-boyfriend dahil kailangang mag-focus muna siya sa kanyang showbiz career.

Ayaw din niyang mapahiya sa mommy niyang si Leizel Sicangco dahil gusto niyang mapatunayang tama ang pinili niya.

Ang gusto sana ng mommy niya na ipagpatuloy ang pag-aaral niya kaya kontra ito sa pagpasok niya sa showbiz. Kaya dapat may mapatunayan daw siya rito sa Blusang Itim na magsisimula na sa May 16 pagkatapos ng Eat Bulaga.

PAK : Mukhang tsutsugihin na lang sa isang serye ang baguhang seksing actress dahil wala itong ginawa kundi ang magreklamo nang magreklamo.

Mabuti sana kung may kagalingan pero hindi naman at ilang takes pala ito kapag kinukunan ang eksena niya.

Minsan, basta na lang na hindi ito sisipot sa taping kaya naloloka ang mga writers sa pagre-revise ng script.

Kaya ang trabaho ngayon ng mga nagsusulat, kung paano na siya tsutsugihin lalo na’t hindi pa ito kasundo ng mga co-stars niya.

BOOM: Ayaw na magsalita ni Aiko Melendez tungkol sa ipinadala nilang sulat sa mayor ng 21 municipalities ng Province of Bulacan kaugnay sa resolution na ideklara itong “persona non grata”.

Si Atty. Adel Tamano ang abogado ni Aiko at nung ini-interview ito sa Tweetbiz Insiders nung nakaraang Lunes, ipinaliwanag nito kung bakit nag-request silang i-withdraw ang naturang resolution.

Pagdedesisyunan pa ito ng Sandigang Panlalawigan at isa sa kontra na rito ay si Daniel Fernando na vice governor ng Bulacan.

Ang sabi ni Atty. Tamano, lumalabag ito sa karapatang pantao ni Aiko dahil wala naman siyang ginawang kasiraan sa lalawigan ng Bulacan at sa mga Bulakenyo para maging threat sa security ng kanilang lalawigan.

Ang isyu ni Aiko ay sa break-up lang nila ng Bulacan, Bulacan Mayor Patrick Meneses at personal na isyu naman ’yun.

Abangan na lang natin kung saan hahantong ito at kung pagbibigyan ang hiling nina Aiko na i-withdraw ang resolution na ipinasa ng 21 mayors ng Bulacan.

Show comments