GMA 7 magsasagawa ng talent camps nationwide

MANILA, Philippines - Magsasagawa ang GMA 7 ng talent camps para sa pinakabago nitong kiddie talent search na I-Shine. Bukas ang kompetisyon para sa mga batang may edad apat hanggang pitong taong gulang at nagnanais na ma­ging next big child star.

Nagkaroon ng two-day I-Shine workshops noong April 9 at 10 sa SM Mall of Asia Music Hall, April 15 at 16 sa SM Cebu Trade Hall at sa April 27 at 28 sa SM Rosales Event Center, at May 2 at 3 sa SM Davao Event Center.

Dalhin lamang ang kopya ng birth certificate ng bata, valid ID ng magulang o guardian, authorization letter mula sa magulang, at picture ng bata kasama ang magulang o guardian.

Sa pakikipagtulungan ng Promil Pre-School , hatid ng I-Shine Talent Camps ang isang naiibang learning experience na tutuklas at huhubog sa talento ng bawat kalahok sa pag-awit, pagsayaw at pag-arte.

Show comments