Thia Megia parang mukhang nakipagsabunutan ang style ng buhok

SEEN : Fashion victim si Regine Velasquez sa kanyang damit sa song number nila ni Ogie Alcasid sa Party Pilipinas.

Parang nakatapis at ready si Regine na maglaba sa batis.

SCENE : In ngayon sa mga nagpakasal na artista ang paggamit sa apel­yido ng kanilang mga asawa, Judy Ann Santos-Agoncillo, Amy Austria-Ventura, at Regine Velasquez-Alcasid.

SEEN : Ang Team Azkals sa Ninoy Aquino International Airport.

Maagang dumating kahapon mula sa Myanmar ang Team Azkals.

SCENE : Ang robot dance kahapon ni Aljur Abrenica sa Party Pilipinas.

Nadala ni Aljur ang kanyang Machete acting.

SEEN : Kailangan ni Thia Megia ng magaling na hairstylist dahil napagkakamalan na galing siya sa pakikipagsabunutan kapag lumalabas siya sa American Idol.

SCENE : Pinagkaguluhan sa Cebu City ang mga artista ng Party Pilipinas at ASAP Rocks.

SEEN : Guwapo ang rehistro sa screen ng mukha ni Renz Fernandez, ang anak nina Rudy Fernan­dez at Lorna Tolentino na kapa­reha ni Kim Chiu sa epi­sode kahapon ng Your Song.

Leading man material si Renz.

SCENE : Sina Chris Gutierrez at Diva Montelaba sa episode ng Maynila noong Sabado.

Mas mukhang lalake si Diva kesa sa apo ni Gloria Romero.

Show comments