Mga neophyte nakikipagpukpukan sa TV series

MANILA, Philippines - Umaangat ang rating ng original na GMA 7 drama series na Alak­dana kahit pa tampok dito ang mga baguhang artista na patu­nay na laging may lugar sa show­biz ang mga neophyte na takdang humalili sa trono ng mga be­terano.

Kabilang sa kanila ang com­mercial model na si Loui­se delos Reyes na muling na­su­bukan ang ka­ka­yahan sa pag-arte sa kanyang pa­pel bilang Adana sa Alakda­na. Isa siyang batang baba­eng isinilang na merong bun­tot ng katulad ng sa alakdan na lumalaban kapag nanganganib.

Naunang lumabas ang 17 anyos na si Louise bilang Isabel sa Pilyang Kerubin noong na­karaang taon. Minsan din si­yang lumabas sa Indie film na Agaton and Mindy na idi­ni­rehe ni Peque Gallaga.

Hindi niya sinayang ang opor­­tuni­dad na dumarating sa kanya kaya naman napan­sin siya ng Philippine Mov­ie Press Club sa category ng Best New Movie Actress may ilang taon na ang nakakaraan.

Regular performer din siya sa Party Pilipinas para sa Sayaw Ka­ba­taan crew nito. Nabig­yan siya ng mas malaking exposure sa kanyang papel bilang Luisa sa Tween Hearts tuwing Linggo. Sa Alakdana, ipinareha siya sa tatlong lalaki na kinabibila­ngan ng baguhan ding si Alden Richards na gumanap sa karakter na Joma.

Isa pang neophyte ng GMA Artist Center si Joanna Marie Tan na gumanap sa papel ng isang masamang babae sa Alakdana.

Show comments