Kim Chiu hahataw sa Supahdance

MANILA, Philippines - Muling paiinitin ang dancefloor ng mga astig na Supahdance boys na sina John Prats, Rayver Cruz, Mickey Perz at Gabriel Valenciano kasama ang pinaka-bagong Supahdance star na si Kim Chiu sa kanilang follow-up dance album na Supahdance 2 ng ASAP Live at Star Records.

Nagmarka ang mga hataw na production numbers sa ASAP nina John, Rayver, Mickey at Gab dahil sa tindi ng kanilang energy. Ang kanilang galaw ay mai-compare sa mga international dance performers.

At ngayong, makikipagsabayan ang Drama Princess na si Kim Chiu sa pagsayaw. Patutunayan niyang hindi lamang siya isang versatile actress kundi all-out performer din. 

Sa pagsasanib puwersa ng lima, sisibol ang panibagong dance craze sa bansa. Pagkatapos ng UD4 album na nagkamit ng platinum record award noong 2007 at ng Supahdance album na umabot sa gold record benchmark ang sales.

Nakapaloob sa Supahdance 2 album ang mga hip music gaya ng Dale Grande na pinrodyus at inawit ng Blanktape at Diorap, Kitang-kita na pinrodyus ni Jimmy Antiporda at inawit naman ni Jingle Buena at Cymbee Antiporda at marami pang iba.

Show comments