^

PSN Showbiz

Mart, Jennica nagliligawan na!

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Ilang linggo na lang ang natitira sa Impos­tora at malalaking ek­sena pa ang kukunan. Nabanggit na sa amin kung paano ito mag­tatapos, kaya lang ba­wal na bawal isulat, pero siguradong mas mahihirapan si Sun­shine Dizon.

Ito ngang mga na­ka­raang linggo, sob­rang dusa ang actress sa mga eksenang ki­nukunan lalo na ‘pag nag-aaway sila ni Chanda Romero at ‘yung nakagapos siya. Ayaw ni direk Maryo J. delos Reyes na malu­wag ang pagkaka­gapos sa kanya, ang ending, nagka-hema­toma siya at nangitim ang wrist. Puro pasa rin ang braso at binti ni Sunshine at natusok pa ang tiyan.

Dahil din sa so­brang pagod, hindi sa bahay kundi sa Medi­cal City dumideretso si Sunshine tuwing na­tatapos ang taping para makapagpahinga at maghanda para sa susunod na taping. Ang kapalit ng pag­papagod ng actress at ng buong cast at pro­duction staff ay ang po­sitive feed­back ng view­ers at ang mataas na ra­ting na nakuku­ha ng show ka­hit late na ang airing.

* * *

Mukhang huli na ang pa­alala ni Jean Garcia sa anak na si Jennica Gar­cia at kay Mart Es­cudero na ‘wag mu­nang ma-in-love at una­hin ang tra­baho da­hil feeling na­min, nagkaka-debelopan na ang mga bagets.

Kay Mart, sinabi ni Jean na: “Huwag muna kayong magka-relasyon. Lagi naman kayong magkasama at kung kayo naman, kayo talaga. Two years munang focus sa tra­baho, i-enjoy n’yo muna ang isa’t isa. Hindi kailangang magmadali.”

Hindi namin naintindihan ang sagot ni Mart dahil sina­bayan ng tawa, pero napansin naming nagsikuhan sila ni Jennica. Hindi rin malinaw ang paliwanag ng young actor kung bakit tumigil siya nang panliligaw kay Kris Bernal, pero sabi may kinalaman si PJ Valerio. 

Kung magkakarelasyon, hindi magiging proble­ma ang pagkaka-iba nila ng religion dahil kahit Catholic si Mart, okey sa kanya ang pa­giging-Christian ni Jen­nica.

Samantala, magta­pos man ang Impos­tora, may Boys Nxt Door  pa sina Jennica at Mart at kasama rin sila sa Pasan Ko Ang Daigdig. Aabangan din ang launching movie nila sa Regal.

* * *

Almost sold out na ang tiket sa two-night birthday concert ni Ogie Alca­sid  na ga­gawin sa Mu­sic Mu­seum sa August 24 & 25, billed Faces Of My Life. Prod­uced ang con­cert ng 1 two 17 Pro­d­uct­ions ng mag-asa­wang She­rilyn Re­yes at Chris Tan at ang huli rin ang di­rect­or.

Special guest sa con­cert si Re­gine Ve­las­quez and expect more love songs sa reper­toire ni Ogie lalo’t first concert nila ito dito together mula nang aminin ang kanilang relas­yon. Favorite ni direk Chris ang singer-songwriter at malaki ang papel ng mga kanta nito sa panliligaw niya kay Sherilyn.

Ang paghahanda sa concert ang pinag­kaka-abalahan ni She­rilyn habang ang Moms  ng QTV 11 lang ang regular show niya. Nami-miss nito ang Bahay Mo Ba ‘To,  pero  masaya ang kan­yang pamilya na mas madalas siyang nasa bahay ngayon.

May binanggit si Sherilyn na twist sa concert at malalaman n’yo kung ano ito ‘pag nanood kayo sa con­cert. Script is by Noel Ferrer at musical di­rector si Bond Sam­son.

Tickets are at P1,500, P1,200 and P800 and available at Ticketworld outlets at all National Bookstore and at Music Museum ticketron.

vuukle comment

BAHAY MO BA

BOND SAM

BOYS NXT DOOR

CHANDA ROMERO

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with