Kaya namin naitanong kung umabot ng isang season ang PMW ay dahil ikinakasa na ang kapalit nitong programang Hooooo U? na ang cast ay sina Marvin Agustin, Princess Violago, Patrick Garcia at Jolina Magdangal.
Sitsit sa amin ng taga-GMA-7 ay horror/comedy ang concept nito at ang bumuo ng Chaka Doll ang nasa likod ng Hooooo U?
Dagdag pa na kapag nag-rate ang bagong programa ay ie-extend ito unlike Chaka Doll na maski na mataas ang ratings ay pinatay na kaagad ang programa dahil limited lang daw ang viewers nito.
Tsika sa amin ng taga-PI ay mas stiff daw ang competition dahil mas maraming magagaling sa babae kumpara sa mga lalaki, bagay na hindi naman pinaboran ng isa sa huradong si Francis M dahil para sa kanya, manggagaling sa mens category ang first grand champion ng Philippine Idol.
Sabi naman ni Ms. Pilita Corrales na maski na binigyan nila ng malaking puntos ang isang contestant, kung talo naman ito sa text votes ay wala rin, kaya depende raw sa text votes ang winner.
Samakatuwid, paramihan ito ng pera kung ganun?
Pero para sa host na si Ryan Agoncillo, "Im sure the viewers will use their heads para iboto ang talagang magaling at may talent. Siguro naman hindi sila papayag na maubos ang pera nila sa hindi naman sure winner."
Palaban kasing sumagot si Rosita, palibhasa hindi rin biro ang pinagdaanan sa buhay at ayaw niya ng feeling na naaapi siya kaya parati siyang may sagot sa lahat ng bagay.
Hindi pupwede sa showbiz ang ganung attitude, tiyak na araw-araw siyang headline sa pahayagan pag nagtuloy siya sa showbiz. REGGEE BONOAN