^

Sexy actress, maganda pero walang breeding

BABYTALK - BABYTALK Ni Savle V. Asis () - June 20, 2006 - 12:00am
Sold out na raw ang ticket sa ringside ng laban nina Manny Pacquiao at Oscar Larios sa Araneta Coliseum on July 2.

Ayon sa ABS-CBN insider, P50,000 ang ringside tickets. Kahit ang P25,000 and P20,000 seats ay wala na raw mabili. Maging ang P10,000 ay pahirapan na rin sa pagbili. Pag daw nagtanong ka sa Ticketnet, wala silang maisagot kung may available pa.

Mabilis daw kasi ang turn out ng ticket sales kaya ngayon pa lang ay agawan na sa pagbili ng ticket.

Pero bago ang Pacquiao-Larios fight, ipapalabas muna ang pelikulang base sa buhay ni Manny, ang Pacquiao, The Movie starring Jericho Rosales and Bea Alonzo na showing na tomorrow.

Confident si Mommy Rose Flaminiano na kung gaano ka-in demand ang ticket sa Pacquiao-Larios fight, gano’n din karami ang naghihintay na mapanood ang nasabing pelikula ni Manny under Star Cinema and FLT Films.

Ayon kay Mommy Rose F., halos mag-exceed pa sila sa budget dahil pumunta sila sa Amerika. Four shooting days sila sa Las Vegas kung saan kinunan ang maraming importanteng eksena para mabuo ang pelikula.

Pero okey lang naman kay Mommy F. dahil nakita naman niyang na-compensate ang gastos nila sa pelikula dahil naging maganda ang output.

Showing na tomorrow ang Pacquiao The Movie under the direction of Joel Lamangan.
* * *
"I swear to God wala pa akong anak," sabi ni Maureen Larrazabal nang tanungin tungkol sa issue na may anak at unwed mother siya. Pero admitted siya na may regular date siya ngayon pero wala pa sa plano ang mag-asawa lalo na nga at lima ang regular shows niya na ang pinaka-latest addition ay Na-Scam Ka Na Ba? na mapapanood sa QTV Channel 11 starting tonight, 8:30 p.m. Kasama niya sa nasabing show si Leo Martinez.

Samantala, inaamin din ni Maureen na contribution ng doctor ang kanyang malusog na boobs ngayon.

Pero boobs lang naman daw niya ang ipina-touch niya and the rest, natural.

Anyway, ang objective ng programang Na Scam Ka Na Ba? ay bigyang aral at babala ang mga manonood against sa mga mapagsamantala nating kababayan, big or small time scammers or gangs.

Ipakikita nila sa programa ang mga nabiktima na at ang kumpisal ng isang gang member. Dito n’yo madidiskubre kung paano sila nambibiktima na kailangan nating lahat pag-aralan ang atake lalo na ng Budol-Budol Gang.

Interesting di ba?

At least for a change, marami tayong tip na mapupulot.
* * *
Kahit anong ganda at dami ng datung mo kung wala kang breeding, walang saysay. Ganito ang kapalaran ng isang sexy actress na iniilusyon ng napakaraming kalalakihan. "Wala talagang breeding. Pag nagsalita, nakaka-turn off," say ng isang observer.

Hot ang sexy star na ito right now, pero hindi lang isa kundi marami na ang nakaka-diskubre ng kawalan niya ng breeding. Walang finesse kung magsalita at bara-bara kung sumagot sabi ng isang kapwa niya artista na madalas niyang kasama.

Hay naku, dapat talagang turuan ang sexy star na ito pag kumikilos lalo pa nga’t alaga siya ng isang higanteng network at galing siya sa isang talent search.
* * *
Bakit kaya ayaw sabihin ng Philippine Movie Press Club kung sino ang producer nila sa kanilang 22nd Star Awards For Movies na produce ng ARG Entertainment Productions?

Pero ‘di man nila sabihin, common knowledge naman dahil asawa ito ni aktres SS.

Masyado raw private ang nasabing husband ni SS. Ha, eh bakit may name si SS sa nominations?

Anyway, naka-schedule ang Star Awards sa June 30, Grand Ballroom ng Westin Philippine Plaza Hotel, 5PM. Mapapanood ito sa Studio 23 ng 10:30PM.

Sina Boy Abunda at Ruffa Gutierrez ang hosts. Anchor naman si Anne Curtis.

Actually, umuwi pa ng bansa si Ruffa para sa nasabing awards night na minsan na ring nagkaroon ng issue.

Reality awards night ang mangyayari na ididirek ni Bong Ferrer.

Pero nag-react ang friend ni Ruffa na si Jun Lalin dahil sineryoso ng iba ang kuwentuhan nila na worth $17,000 daw ang halaga ng gown na isusuot ni Ruffa Gutierrez.
* * *
Salve V. Asis’ e-mail - salve@philstar.net.ph
ANNE CURTIS ARANETA COLISEUM AYON BONG FERRER CENTER KUNG PERO RUFFA GUTIERREZ
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with