Showbiz gay, nagbubugaw sa Thailand
ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon () - November 28, 2005 - 12:00am
Makalipas ang ilang panahon din ng kanilang buhay may asawa, ngayon lamang naisip ng mag-asawang Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza na gumawa ng isang album na magka-duet sila. Kung iisipin mo, bakit nga ba hindi eh pareho naman silang sikat na singers? Kung magsasama sila sa isang CD, sigurado ngang mabebenta iyon.

Pero siguro ang unang naiisip ay mga producers, mahal ang album na iyan dahil isipin ninyo, magkano ang royalty noon. Para makumbinsi mo rin naman sina Dingdong at Jessa, kailangan magaganda ang kanta at kung ganoon nga, mahal din ang royalty ng mga kantang iyan. Magastos ang album, pero sigurado ka namang bebenta. Iyan naman siguro ang naisip ng mga producers ng Universal Records kaya namuhunan sila at ipinagawa sa mag-asawa ang album na "Laging Ikaw."

Pinakikinggan namin iyong kanilang album noong isang gabi, at naniniwala kaming hindi magtatagal, iyan ay magiging gold record. Ang masasabi lang namin, magastos ang album, pero sa kabila noon hindi naman itinaas ng Universal Records ang kanilang presyo. Kaya sana naman huwag na kayong bibili ng pirated copies ng plakang iyan. Hindi bale iyong mga plakang puro kalokohan lang eh, wala naman halos puhunan ang mga iyon, lalo na ang kumakanta naman ay puro mga ghost singers lang. Pero iyong album na kagaya ng ginawa nina Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza, makikita mo naman na pinaghirapan nila, at namuhunan nang husto ang mga producers noon. Mga ganyang album ay tama lang na tangkilikin natin.
* * *
Madalas daw ang isang showbiz gay sa Thailand. Ang press release niya, nag-aayos siya ng mga fashion shows doon. Pero may nagsabi sa amin, siya ang naghahanap ng bookings para sa mga male stars dito sa atin na gustong gumawa ng pera sa Thailand. Hindi lang mga shows, naihahanap niya ng mga ka-date na bakla at matrona ang mga male stars na Pinoy.

In short ang showbiz gay ay nagbubugaw hanggang sa Thailand. Hindi naman katakataka dahil ginagawa rin niya rito iyan noong araw pa.

ALBUM DINGDONG AVANZADO JESSA ZARAGOZA LAGING IKAW NAMAN PERO UNIVERSAL RECORDS
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with