^

PSN Showbiz

Aktor, nagdi-demand ng increase ng TF

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Gaano katotoo na nag-iinarte ngayon ang sikat na aktor dahil nagdi-demand ito ng increase sa kanyang TF? Ayaw niya yung ibinigay na presyo sa kanya dahil sinasabing marami naman siyang pelikulang ginawa at mainstay pa ngayon ng isang soap opera.

Pinag-iisipan pa ng produ kung pagbibigyan ang request ng aktor dahil hindi naman ito gaanong kumita sa takilya ang huli niyang movie.

Ang hindi pa maganda ay ikinukumpara niya ang sarili sa magiging leading lady kung saan sinasabi sa produ na dapat ay mas mataas ang TF niya dahil mas nauna naman siya at mas may pangalan. Pero pagbigyan kaya siya gayung mas mainit ngayon o in-demand ang kanyang leading lady?
Dennis, Na-Love At First Sight
Isa sa mga close friend kong artista ay si Dennis Trillo-laging di nakakalimot na puntahan ang aking birthday kahit pa sa Solar-UIP office kasama ang manager na si Popoy.

Nung minsan ay nakakwentuhan ko ang magaling na aktor at sinabing na-meet na niya si Miss International 2005 Lara Quigaman sa programang Sis kamakailan. Ayon sa actor ay napakaganda sa personal ni Precious Lara. Higit sa lahat ay napakabait at napakatalino raw nito kaya di kataka-takang magkaroon siya ng crush at kung wala pang commitment ay posible niyang ligawan ang beauty queen.

"Gusto ko siyang makatambal sa pelikula sakaling may mag-offer at handa akong maghintay kahit sa isang taon pa siya maging available," aniya.

Na-love at first sight yata ang aktor sa beauty queen kaya inaasam-asam na sana’y matuloy ang proyektong pagtatambal nila.

Abala ngayon si Dennis sa syuting ng Blue Moon at sa taping ng Darna. Matapos ang Darna ay isasama siya sa isa ring telefantasya pero ayaw pang sabihin kung ano ang papel na gagampanan niya.

Sa kabilang banda, inamin din ni Precious na sakaling gumawa siya ng pelikula ay gusto rin niyang makatambal si Dennis.
Balik Concert Si Richard
Sa pagdaan ng taon ay di pa rin nagbabago si Richard Reynoso at parang di ito tumatanda.

Hindi na nasundan ang anak nito na limang taong gulang na. May hilig din sa musika si Daniella Isabel at mana sa kanyang ama. Matatag ang pagsasama nila ng asawang PAL flight stewardess na si Amor kung saan inamin nito na na-love at first sight siya sa dalaga nang magkita sa eroplano habang patungo ng Japan for a show. Nang bumalik ay sinimulan na nitong ligawan ang dilag na humantong sa pagpapakasal noong Dec. 1998.

Nang mamatay ang daddy nito noong 1995 ay nagtungo siya sa ibang bansa for a series of shows at nang bumalik ay humawak ng mataas na posisyon sa Praise (recording company). Ito ang nag-udyok sa kanya para mag-compose ng tatlong gospel song.

Balik-concert sa bansa si Richard na pinamagatang Richard Reynoso One Special Night kung saan personal choice niya ang makakasamang mga singers o front act gaya nina Rico J. Puno, Ara Mina at Aiza Seguerra.

Gagawin sa Music Museum ang show ng singer sa Oct. 29 at 8PM under M4U in cooperation with GA Productions Inc.

AIZA SEGUERRA

ARA MINA

BALIK CONCERT SI RICHARD

BLUE MOON

DANIELLA ISABEL

DARNA

DENNIS TRILLO

LARA QUIGAMAN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with