Problema ang Bb.Pilipinas bet

Isa sa inaasahang may malakas na laban sa Bb. Pilipinas 2005 na si Gwennaelle Ruais ay problemado. Nagkataon kasi na napili rin siyang finalist sa search sa MTV, VJ Hunt. Ang final selection nito ay kasabay ng final week din ng Bb. Pilipinas.

Bukod dito, di pinayagan ng authorities sa La Salle University na mag-absent sa management classes for two weeks si Gwen. Simula nung March 8 ay billeted na ang lahat ng candidates ng Binibini sa isang 5-star-hotel.

Dahil prayoridad ni Gwen ang studies ay pinakikiusapan niya si Stella Araneta na payagan siyang pumasok sa kanyang morning classes sa La Salle. Malamang naman na i-give up ni Gwen ang MTV, VJ Hunt.

Si Gwen ay 6’1, 19, morena beauty na nagdalaga sa France. French ang businessman-father nito at dating model sa Paris ang ina niyang si Malou Ramos na contemporary ni Melanie Marquez. Nadiskubre siya ng beauty expert na si Garret Blanco. At ipinasok sa Binibini... ni Boyet Blas (anak ng late producer na si Mrs. Miling Blas ng Lea Productions) under Mabuhay Beauty.

Kabilang pa sa Mabuhay Beauty bets ay sina Gionna Cabrera (5’10), Joanne Padilla (5’9), Mariflor Perez (5’8) at Rica Taylor (5’7).

Ili-live telecast ng Siete ang coronation night sa March 19 buhat sa Araneta Coliseum. Nap C. Alip

Show comments