^

PSN Showbiz

Magnifico, naka-grandslam na!

-
Nakaraos na noong nakaraang Sabado ng gabi ang pinag-uusapang awards night ng Film Academy of the Philippines na ginanap sa Cultural Center of the Philippines.

Ang FAP ang nagbigay ng grandslam sa pelikulang Magnifico. Hinakot nila ang lahat ng best picture award sa anim na award giving bodies - mula sa Star Awards, FAMAS, Urian among others at pinaka-huli nga itong FAP.

Si Maricel Soriano ang nanalong best actress para sa pelikulang Filipinas na base sa reaction ng actress, hindi niya ini-expect na mananalo siya dahil matunog ang usap-usapan na si Cherry Pie Picache uli ang mananalo.

Si Jiro Manio pa rin ang best actor para sa Magnifico, si Ms. Gloria Romero ang best supporting actress para pa rin sa Magnifico at si Eric Quizon ang best supporting actor for Crying Ladies.

Best director si Maryo J. delos Reyes for Magnifico. Ayon kay Direk delos Reyes, ika-50 throphy na nila ang nasabing award.

In fairness, maraming artistang dumating at maganda ang mga production number sa last part ng program (actually hindi ko napanood ang first part). Kaya lang, na-preempt ang mga mananalo dahil nauna nang ipalabas sa news program ng ABS-CBN dahil delayed telecast ng awards night sa ABC 5. Maganda rin ang mga terno na suot ng mga female stars na gawa ng mga kilalang designer.

Anyway, hindi naman nasunod ang original plan na magkakaroon ng fans day and tiangge although marami naman daw fans na nagdagsaan.

Maaga pa lang daw, may mga artista nang dumating na galing ng Westin Philippine Plaza sakay ng luxury cars and then lalakad sa red carpet.

Hirap ang mga naka-assign na photographer sa naging coverage. In fact, muntik na silang mag-walkout dahil sa pahirap na inabot nila sa mga security.

Hanggang red carpet lang daw ang access nila. Hindi sila makakuha sa loob.

Mga legitimate photographers ang nagre-reklamo kaya nang makonsensiya raw ang ibang nakabantay sa entrance door ay pinapasok sila. Sa kondisyon daw na sandali lang sila sa loob at sa likuran lang sila pupuwesto.

Pero nang makapasok sila, na-shock sila nang marami silang makitang photographer sa loob.

At ang siste pa, nagbihis sila ng formal pero pagdating naman nila ro’n, maraming naka-rugged lang at naka-maong.

Anyway, mako-consider pa ring successful ang nasabing event kahit nagkaroon sila ng problema bago natuloy ang awards night.

Maganda ang mga terno na suot ng mga female stars like Gretchen Barretto, Cherrie Gil, Cherrie Pie Picache, Snooky Serna, Maricel Soriano, Joyce Jimenez, Maui Taylor among others. Naging hosts sina Pops Fernandez at Ogie Alcasid. — Salve V. Asis

CHERRIE GIL

CHERRIE PIE PICACHE

CHERRY PIE

CRYING LADIES

CULTURAL CENTER OF THE PHILIPPINES

ERIC QUIZON

FILM ACADEMY OF THE PHILIPPINES

MARICEL SORIANO

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with