Kaya nang bumalik siya sa ABS-CBN, isa sa mga ni-request niya ay ang makalabas sa Maalaala Mo Kaya. Feeling niya, acting vehicle kapag nagbida ka sa MMK.
"Lets face it, kapag nagbida ka sa MMK, pag-uusapan ang acting mo. Pang-award kumbaga. And ang maganda pa, sa lifestory ni Sheryn, I get to do drama and sing as well," sabi ni Angelika.
Na-excite si Angelika sa lifestory ni Sheryn. Marami raw itong drama at challenges na pinagdaanan. Di bat naging kontrobersyal pa si Sheryn nang lantaran niyang ipakita ang disappointment niya nang hindi siya maging champion sa Star In A Million.
"Isang chapter lang yon. Yung buhay niya at ang pamilya niya sa Cebu ang malungkot," kuwento sa akin ni Angelika.
Sa MMK episode bukas ng gabi, special guest si Jericho Rosales na kung inyong matatandaan ay gumanap naman sa The Erik Santos Story. May special appearance din si Erik sa episode. Ketchup Eusebio plays Sheryns brother. Si Mae Cruz ang nagdirek.
"Gusto ko lang, para maibuga ko at lumabas ang boses ko," kwento nito.
Aware siguro ang Star Cinema na magiging hit ang "Pamela" kaya isa na itong pelikula. This time, pinagsama sila ni Bayani Agbayani na kumanta naman ng monster hit na "Otso Otso". Bida sina Bayani at Vhong sa Otso Otso (Pamela Mela Wan) ng Star Cinema.
"Its a fun movie na may kuwento, hindi lang basta comedy," sabi ni Vhong.
Tawa nang tawa si Vhong habang ikinukuwento sa akin ang isang eksena sa movie kung saan in-spoof nila ang isang eksena sa Milan.
"Very timely ang mga spoofs namin dito. Bago lahat. Idea yun ni Direk Jerry Sineneng," kwento ni Vhong.
Kasama rin sa Otso Otso" (Pamela Mela Wan) sina Tessie Tomas, Michelle Bayle, Denise Joaquin, Cherry Lou, Angelene Aguilar, Karel Marquez, Dexter Doria at introducing dito ang Jaboom Twins (Kristine at Katrina Gonzales) at ang kambal na binatilyo ni Bembol Roco na sina Dominic at Felix. Showing na ito sa March 17.
Bida si Paz Vega sa Carmen, ang tinaguriang most erotic film sa Cannes screening. Ginastusan din ito ng pinakamalaking budget sa history ng Spanish film industry with $11.7 million.
Nakakuha ang Carmen ng pitong nominations sa 2003 Goya Award Best Photography, Best Editing, Best Art Direction, Best Costume, Best Make-Up-Hair, Best Song at Best Production Management. Mula ito sa direksyon ni Spanish top Director Vicente Aranda.
May special advanced screening ang Carmen sa Cinema 6 ng Robinsons Galleria ngayong gabi at 7 p.m. Ang Carmen ay kwento tungkol sa love, passion and jealousy. Si Paz Vega ay nagbida na rin sa dalawa pang pelikula Sex & Lucia at Talk To Her.