'Endless Love 2" magsisimula na bukas

Mula sa creator ng phenomenal Endless Love series, narito na ang pinananabikang kasunod na kwento ng pag-ibig–ang patok na patok sa buong Asya–Endless Love 2 (Winter Sonata).

Noong high school pa sila, nakilala ni Janice, isang maganda at malambing na dalagita si Jun, isang seductive at gwapong binata na hinahanap ang kanyang tunay na ama. Mapili si Janice sa mga lalaki at hindi niya inaasahang si Jun ang kanyang magiging first true love. Subalit nang bisperas ng Bagong Taon, habang nagsasaya ang lahat, nagmamadali si Jun para makasama si Janice nang maaksidente siya.

Mula noon, hindi na nakita ni Janice si Jun na siyang ipinagluksa ng buong iskwelahan. Pagkaraan ng 10 taon, nakatakda nang magpakasal si Janice ngunit sa gabi ng kanyang engagement ay nakita niya si Joseph, isang lalaki na kamukhang-kamukha ni Jun! Lalo pang nagulat si Janice nang malamang si Joseph ang boyfriend ng kanyang bestfriend. Hindi maintindihan ni Janice ang kakaibang nararamdaman... Sino talaga si Joseph? Hindi kaya siya si ...?

Panoorin ang istoryang mala-Serendipity sa panahon ng malalamig na gabi at makulay na pagdiriwang ng holidays sa pagpasok ng Endless Love 2, Lunes hanggang Biyernes simula bukas November 17, alas-otso ng gabi sa GMA.

Ngayong Lunes na rin 11:30 n.u. ipalalabas ang pagbabalik ng magandang si Natalia Oreiro (ng Monica Brava) bilang si Kachorra.

Show comments