_ngayon
^

PSN Showbiz

TJ, crush si Iza

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Tinukso ng mga press people si TJ Manotoc dahil matindi ang paghanga nito kay Iza Calzado. Panay ang lapit nito sa dalaga sa victory celebration ng SOP noong Linggo at ibang klase ito kung tumingin sa aktres. Minsan ay inaayos nito ang damit ng dalaga.

Pero paano kaya makakapanligaw si TJ kay Iza gayung balitang may nobyo na ito. Pero sey naman ng ibang reporter na kung talagang mahal niya ito ay ipadama niya sa aktres ang kanyang damdamin. Malay mo, baka magkaroon siya ng pag-asa. Tutal di pa naman kasal si Iza sa nobyo nito, di ba?
Yda, Head Pa Rin Ng Gma Artist Center
Tumawag sa amin ang isang executive ng Syete para ituwid ang balitang pinalitan na si Yda Henares bilang head ng GMA Artist Center ni Direk Joel Lamangan. Si direk ang magha-handle ng mga workshop para sa mga talent artists ng Syete.

Mananatili sa kanyang pwesto si Yda kung saan natutuwa ito dahil umaalagwa ang career ng mga taga-Artist Center hindi lang sa telebisyon kundi unti-unti na rin silang nabibigyan ng break sa pelikula.
Jolina, Di Talaga Kasali Sa Kapten Barbel
Inamin ni Jolina Magdangal na talagang hindi naman siya kasali sa Kapten Barbel dahil wala naman silang natanggap na offer sa pelikula na entry ng Premiere Productions sa Metro Manila Film Festival Philippines 03 sa taong ito.

Ngayong di pa niya tiyak kung kailan ang shooting ng FPJ movie ay hinihintay na lang nila na i-offer muli ang pelikulang Pilipinas (May Isang Ina) ng Viva Films na entry nito sa MMFFP.
Angel, Pinalakpakan Ang Akting
Ratsada ngayon ang magandang si Angel Locsin sa mga TV guestings. Bukod sa pagiging mainstay nito sa Ang Iibigin Ay Ikaw Pa Rin, mapapanood ito ngayong Biyernes sa Bubble Gang at Idol Ko Si Kap.

Sa kanya rin inoper ang role na half-paralyzed sister ng bidang singer sa Magpakailanman tungkol kay Selina.

Noong una ay hesitant itong tanggapin ni Angel sa pag-aakalang hindi nito kayang ilarawan ang karakter ng isang paralisado. Pero dahil challenging ang role ay tinanggap na rin ito ng young actress at pinag-aralang mabuti ang karater.

Sa bawat take ay pinalakpakan nang husto si Angel at tuwang-tuwa ang direktor ng programa. Nagkakaisa sa pagsasabing malayo ang mararating nito dahil may potensyal sa akting.

Malaki ang tiwala ni Mother Lily kay Angel at balak niyang bigyan ng mga pelikula dahil nakitang may talino sa pag-arte. "Pwede siyang maging another Dina Bonnevie in the making," sey ni Mother.
ANG IIBIGIN AY IKAW PA RIN ANGEL LOCSIN ARTIST CENTER BUBBLE GANG CENTER DI TALAGA KASALI SA KAPTEN BARBEL DINA BONNEVIE NITO PERO
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with