^

PSN Showbiz

Billy Crawford, kinukuha ng GMA 7

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Muling pinatunayan ni Jolina Magdangal ang kanyang kahusayan bilang artista sa Magpakailanman noong nakaraang Huwebes. Lahat talaga ay pinahanga niya sa pagbibigay buhay sa character ni Love Añover ng Unang Hirit.

Talagang nakita natin kung gaano siya kagaling na artista. Kaya nga nagtataka ako kung bakit may mga taong pilit na gustong sumira sa kanyang career. Ayan tuloy, imbes na masira, lalong nagnining-ning. Dala-dalawa ang pelikulang ginagawa niya, ang Annie Batungbakal at isang movie kasama si FPJ.
* * *
After five movies, ngayon lang gaganap na mag-asawa sina Sharon Cuneta at Richard Gomez sa pelikula. Sa trailer pa lang ng Walang Kapalit, makikita mo na agad ang naiibang putahe ng kanilang movie.

Ngayon pa lang ay inaasahan na ang tagumpay ng muli nilang pagsasama.
* * *
Kung napanood n’yo noong Sabado sa Master Showman ay hiningi sa akin ang kamay ng anak-anakan kong si Donita Rose ng kanyang mapapangasawa na si Eric Villarama. Alam n’yo naman na parang isang tunay na anak na ang turing ko kay Donita. Dahil nga sa ako ang kinikilalang tatay ni Donita, kaya hayan pati ang mapapangasawa niya ay daddy na ang tawag sa akin.

Nakita ko naman na isang gentleman at nasa mabuting kamay mapupunta si Donita. Sinabi ng dalawa na kailangan daw ay nasa LA ako. Sige na nga, pupunta na lang ako sa kasal nila sa LA sa June 9 kahit may SARS scare pa para pagbigyan ang aking ‘anak.’

Mabuti rin naman at nag-decide si Kumareng Angeli Pangilinan na ibigay ang rights ng pagpapalabas sa GMA-7 ng kasal ni Donita.

Ngayon pa lang ay hangad ko na ang walang hanggang kaligayahan ng pagsasama nina Donita at Eric. At sana naman ay huwag silang ulanin ng intriga upang maging tahimik ang kanilang pagsasama.
* * *
Gusto sana ng GMA-7 na magbigay ng special song si Billy Crawford para sa gaganaping Mutya ng Pilipinas Pageant. Pero gustuhin man ni Billy na pagbigyan ang GMA ay hindi niya magawa dahil sa sobra niyang kaabalahan sa movie niya sa Warner Bros na Exorcist.

Sa buwan ng Hulyo ay ipapalabas na ang nasabing pelikula kaya kailangan na niyang tapusin ang pelikula. Kailangan din niyang tumulong sa promo.

Ipinaaabot nga pala ni Billy na miss na miss na niya tayo at talaga raw gusto na niyang bumalik sa Pilipinas pero talagang hindi pa puwede.

ANGELI PANGILINAN

ANNIE BATUNGBAKAL

BILLY CRAWFORD

DONITA

DONITA ROSE

ERIC VILLARAMA

JOLINA MAGDANGAL

LOVE A

MASTER SHOWMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with