^

PSN Showbiz

Premier ng 'Luv Text'

-
Nakatakdang ipalabas ng bagong tatag na Maverick Films ang kauna-unahang offering nito, ang reunion flick ng Drama princess Judy Ann Santos at Wowie de Guzman, na inaasahang magsisimula ng trend ng mga ‘big hit’ movies sa ilalim ng produksyon ng bagong outfit, mula sa taong ito.

Ang Luv Text nina Juday at Wowie ay isang romantic comedy, na ginamit ang prevalent texting technology sa bansa. Nagpakita ito ng kakaibang kumbinasyon ng iba’t-ibang era – mula 50s hanggang sa kasalukuyan, na nagbigay sa pelikula ng unusual touch of fantasy.

Nag-klik ang personalidad ng Maverick sa image ng Judy-Wowie loveteam. Habang ang Maverick ay nagpapakita ng aggressiveness at promise, ang tandem naman nina Judy Ann at Wowie ay mayroong hindi maipagkakailang karisma. Ang aggressiveness ng Maverick na makapag-produce ng magagandang pelikula ay suportado ng matinding appeal ng Judy-Wowie tandem.

Bukod sa strong screen presence nina Judy Ann at Wowie, maipagmamalaki rin ng Luv Text ang award-winning na sina Ricky Lee and Raquel Villavicencio bilang mga screenwriters, at Rowell Santiago bilang direktor. Higit pa rito, ang pelikula ay pinangungunahan din ng walang-kupas na si Nida Blanca, at suportado ng tatlong baguhan – ramp model at fast-rising comedienne Wilma Doesnt, at commercial models Carlo "Hello Billy" Muñoz at Russel C. Mon.

Ang Luv Text ay regular na ipalalabas sa mga sinehan simula sa June 20. Ito’y magkakaroon ng premiere sa June 14, 7:00 p.m. sa SM Megamall.

vuukle comment

ANG LUV TEXT

HELLO BILLY

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

JUDY-WOWIE

LUV TEXT

WOWIE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with