^

PSN Showbiz

Zoren, nagtatago sa press!

-
Maraming nagtatanong sa amin kung bakit mailap magpainterbyu si Zoren Legaspi o magpakita sa publiko na balitang dumating na ng bansa kasama si Carmina Villaroel at ang kanilang baby. "Wala naman siyang dapat ipag-alala dahil na-annul na naman ang kasal nina Mina at Rustom kaya ano ang dapat nitong ikahiya?" tanong ng isang reporter.

May pelikulang ipalalabas si Zoren na pinamagatang Hindi Sisiw ang Kalaban Mo na tinatampukan nina Roi Vinzon at Ronald Gan. Hindi tuloy siya mainterbyu para sa mga babasahin gayundin sa TV guesting. Pakiusap nga ng iba ay lumantad na sana si Zoren at kung talagang nagmamahalan sila ni Carmina ay dapat pa nilang ikarangal ang kanilang baby.

Maganda ang papel na ginagampanan ni Zoren sa Hindi Sisiw... kung saan umaatikabong aksyon ang ipinamamalas nito. Sayang at hindi siya nakatulong sa promosyon ng pelikula na ipalalabas na sa Enero 31 mula sa MMG Films.
Priscilla, Wala Pa Sa Bansa
Dapat ay kasagsagan din ang promosyon ng pelikula ni Priscilla Almeda para sa pelikulang Syota ng Bayan. Darating sana ang seksing aktres noong January 23 pero bukas pa ang dating niya. Halos maloka ang TV schedule master sa actress dahil kailangan pa raw tapusin nito ang commitment ayon kay Lav Diaz sa Tate kung saan nagsusyuting pa ito ng Batang Westside. Mabuti na lang at propesyonal si Eddie Garcia at Tonton Gutierrez na siyang abala sa TV guesting.

Maganda ang mensahe ng Syota ng Bayan kung saan mula sa pagiging bold star ay nagkaroon ng magandang layunin sa bayan si Priscilla nang kumandidato itong mayor ng kanilang lugar. Ang malaking kuwestyon ay kung mananalo ba ito?
Juan Rodrigo, Nahirang Mag-Recording
Dumalo kami sa launching ng "Awit Abroad" album at napakinggang umawit si Juan Rodrigo. Malamig ang hagod ng tinig sa awiting "Kabayan Huwag Mag-alala" ni JR. Hindi lang pala siya isang magaling na aktor kundi maaasahan din sa pagkanta.

Nang makausap namin ang actor-singer ay nasabi niyang mahirap ang pagre-recording. "Kailangang mahaba ang pasensya mo at paulit-ulit ang pag-eensayo para hindi sumablay ang boses," aniya. Hindi naman nangangahulugan na iiwan na niya ang pag-arte at magko-concentrate na lang sa singing career.

Nag-undergo ng voice lesson si Juan o JR noong wala pa sa showbis kay Grace Melendrez at Al Mendoza.
May Nobyo Na Ang Sikat Na Aktres Pero Bakit May Ibang Kasama?
Seksing-seksi ang aktres na ito kaya madali niyang nakamit ang tagumpay bukod pa sa kagandahan at galing sa pag-arte. May boyfriend na ang aktres na non-showbiz at madatung kaya suportado rin nito ang sikat na sexy star kahit may pinagkakakitaan naman siya mula sa pelikula at telebisyon. Mahal kasi ng lalaki ang aktres.

Pero ayon sa aking source, nagtataka ang ilang kasamahan nito dahil ibang lalaki ang dumadalaw sa kanyang syuting kung saan sweet na sweet ang dalawa. Alam kaya ito ng nobyo ng aktres? Ilang beses nang dumadalaw sa set ang guwapong manliligaw ni sexy star o baka naman may relasyon na rin silang dalawa? Alam kaya ng aktres na mahirap mamangka sa dalawang ilog?

vuukle comment

AKTRES

AL MENDOZA

ALAM

AWIT ABROAD

BATANG WESTSIDE

BAYAN

HINDI SISIW

JUAN RODRIGO

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with