^

Probinsiya

3 umiwas sa checkpoint, niratrat

John Unson - Pilipino Star Ngayon

COTABATO CITY, Philippines — Tatlong residente ng T’boli, South Cotabato ang sugatan nang paputukan ng mga kasapi ng Citizens Armed Forces Geographical Unit at mga sundalo sa akalang mga miyembro sila ng New People’s Army (NPA) makaraang pumalag sa inspeksyon sa checkpoint nitong gabi ng Huwebes.

Naganap ang madugong insidente habang nagsasagawa ng checkpoint operation ang ilang mga CAFGU members sa Sitio Spring sa Barangay Poblacion sa T’boli, isang upland municipality sa South Cotabato na sakop ng Region 12. 

Mismong local executives at mga kawani ng T’boli Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ang nagkumpirma nitong Biyernes sa pagkasugat nina Delfin Tan Forod, Arlene Sawan Lambong at Rafael Zunio Francisco na sinasabing tumanggi na magpasailalim sa routine inspection ng mga pulis at sundalo. Masuwerteng hindi tinamaan sa pamamaril ang kanilang kasamang isang kagawad ng isang barangay sa T’boli na si Alvin Tuan Sacay.

Sa ulat ng T’boli Municipal Police Station, agad na pinaputukan ng combat rifles ng mga CAFGU members at mga sundalo sa checkpoint sa Sitio Spring sa Barangay Poblacion ang four-wheel drive na utility task vehicle o UTV, na sinasakyan ng mga biktima dahil sa hindi nito paghinto sa kabila ng kanilang presensya sa kalye habang nagsasagawa ng checkpoint operation.

Kinumpirma ng 6th Infantry Division ng Philippine Army ang insidente at nilinaw na “miscommunication” ang siyang nag-sanhi nito. 

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with