No. 1 ‘most wanted’ sa Pinas, nadakma

Ayon kay P/LtCol. Kevin Bulayungan, HPG-regional director, nakilala ang nadakip na akusado na si Roy Guno aka Jargu Pelonggo, 44, isang sales agent at residente ng Barangay Sillawit, Cauayan City, Isabela at itinuturong lider ng ‘Guno Group Criminal Gang’ sa bansa.
Philstar.com / Jovannie Lambayan, File

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dinakip ng pinagsanib na operatiba ng Highway Patrol Group (HPG) ng Cagayan Valley (Region 02) at Criminal Investigation and Detection Group tinaguriang number 1 most wanted person sa bansa dahil sa iba’t ibang kasong criminal matapos na matunton sa kanyang lungga sa Barangay Bungol, Balaoan, La Union kamakalawa.

Ayon kay P/LtCol. Kevin Bulayungan, HPG-regional director, nakilala ang nadakip na akusado na si Roy Guno aka Jargu Pelonggo, 44, isang sales agent at residente ng Barangay Sillawit, Cauayan City, Isabela at itinuturong lider ng ‘Guno Group Criminal Gang’ sa bansa.

Si Guno ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa R.A. 10883 (Concealment of Carnapping), Simple Carnapping, PD 1612 (Anti-Fencing Law), R.A. 10883 (Anti-Carnapping Act), 8-counts ng estafa at paglabag sa PD 1612 (Anti-Fencing Law).

Ang matagumpay na pagkadakip sa akusado ay isinagawa ng pinagsanib na puwersa ng HPG-Cagayan Valley, CIDG Regional Field Unit 2-Santiago City Field Unit; Quirino Provincial Field Unit; Regional Highway Patrol Unit 1; CIDG-Regional Field Unit 1; at ang Balaoan PNP kabilang ang La Union PPO.

Show comments