SUV vs motor: 2 todas, 1 sugatan

SANTIAGO CITY, Isabela, Philippines — Dalawang katao ang nasawi habang sugatan ang isa pa matapos magsalpukan ang isang motorsiklo at SUV sa bahagi ng Barangay Palattao,Naguilian sa lalawigang ito kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sakay ng motorsiklo na sina Triumfo Roxas, driver ng Honda Wave 100 (5713OQ), at angkas na si Reyo Mendoza, kapwa residente ng Mabantad, Cauayan City, Isabela.

Sugatan naman si Roxanne Ocampo, pasahero ng isangToyota Fortuner (ZRV 515) na minamaneho ni Jay Gaspar, 41, na residente ng Barangay Cabaruan sa nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na uma­­gaw umano sa linya ang motorsiklo na minamaneho ni Roxas matapos mag-overtake sa sinusundan na sasakyan na naging dahilan para masalpok sa SUV na nasa kasalungat na linya ng kalsada.

Mabilis naman na naisugod sa pagamutan ang mga biktima,subalit idineklarang dead on arrival ang backrider na si Mendoza habang nasawi rin si Roxas habang nilalapatan ng lunas.

Patuloy naman ang imbestigasyon na isinasagawa ng pulisya kaugnay sa pangyayari.

Show comments