Shipping lines nilooban, tinangay na kagamitan nabawi sa furniture shop

LUCENA CITY, Philippines — Nilooban ng hindi pa nakikilalang mga suspek ang warehouse ng isang shipping lines sa Barangay Talao-Talao sa lungsod na ito kamakalawa.

Ayon sa ulat, bandang alas-12:30 ng hating gabi nang pasukin nang mga kawatan ang Viva Shipping Lines warehouse saka tinangay ang 19 na piraso ng kahoy na narra na tinatayang nagkakahalaga ng ?50,000.

Matagumpay na nata­ngay ng mga suspek ang nasabing mga kahoy at saka tumakas patungo sa hindi pa natutukoy na direksyon.

Sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad, walong piraso ng kahoy na Narra ang ibinenta at narekober sa isang furniture shop.

Nagsagawa na ang mga awtoridad ng panayam sa may-ari ng furniture shop upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Show comments