^

Probinsiya

Granada sumambulat: 3 todas, 4 sugatan

Cristina Timbang, Ed Amoroso - Pilipino Star Ngayon
Granada sumambulat: 3 todas, 4 sugatan
Duguang nakahandusay sa semento ang mga nasabugan ng granada nang matanggal ang safety pin ng isa sa mga suspek na may hawak nito sa naganap na rambol.
Cristina Timbang

2 magkalabang grupo nagrambol…

CAVITE CITY, Cavite, Philippines — Patay ang tatlong katao habang apat ang nasugatan matapos na sumambulat ang isang Granada na dala ng isa suspek, kamakalawa ng gabi sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julius Tindoc, 26, delivery boy; Joseph Barrera, 53, barangay tanod; at Mark Gio Layug, 28.

Habang ang mga nasugatan ay sina Erick­son Valenzuela; Alejandro Dizon, 45, barangay kagawad, ay dinala sa Philippine General Hospital; Arjay Camacho, 18, high school ay dinala sa Cavite Medical Hospital na nasa mabuti nang kalagayan habang si Reymart Patricio Honra, 18, tricycle driver ay nasa kritikal na kondis­yon.

Ang suspek na si Camacho, residente ng Barangay 10-A, ay guwardyado sa ospital habang ang kasama nito na si Daniel Diaz Cruz, 17, ay inaresto matapos ang pagsabog.

Sa ulat na natanggap ni P/Col. Christopher Olazo, Cavite police director na nagkaroon ng rambol ang dalawang grupo sa Benitez St., Barangay 8 Cavite City na nagkahabulan at nagkabatuhan na uma­bot sa Barangay 10-A.

Pagdating sa kata­bing lugar, sila ay nakatakdang arestuhin ng mga barangay tanod ng Barangay 11 ay nakita ang isa sa dalawang grupo na may hawak na granada na kung saan ang daliri ay nakalagay sa safety pin.

Binantaan ng suspek ang mga humahabol na mga barangay tanod na aalisin niya ang safety pin kapag lumapit ang mga ito.

Kaya’t muling nagkagulo ang dalawang grupo at dito ay tinanggal ng suspek ang safety pin at sumabog ang granada na nagresulta sa pagkasawi ng tatlong tinedyer.

Dinala na ang isang minor suspect sa City Social Welfare and Development Office of Cavite City para sa disposisyon.

Patuloy ang imbes­tigasyon ng pulisya kung ano ang dahilan ng away ng dalawang grupong kabataan.

vuukle comment

GRANADA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with