^

Probinsiya

4 binata tiklo sa ‘pot session’

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

GENERAL TINIO, Nueva Ecija, Philippines — Inaresto ng pulisya ang apat na binata matapos maaktuhang nagpa-pot session o bumabatak ng illegal na droga sa isang bahay sa Barangay Concep­cion ng bayang ito, ka­ha­pon ng madaling-araw. 

 Kinilala ang mga natiklong suspek na sina Red De Guzman, 20; Arnel Ditucalan, 41, kapwa helper; Mark Robie Busuego, 18, isang vendor, pawang mga residente ng Brgy. Concepcion, dito; at si Roman Angelo Dayao, 22, walang trabaho ng Brgy. Padolina, Gen. Tinio, Nueva Ecija. 

Ayon sa pulisya, agad silang rumesponde sa tawag ng isang concerned citizen ukol sa na­ga­ganap na paggamit ng ilegal na droga ng apat na suspek na kalauna’y naaresto at nasa kustodya ngayon ng Gen. Tinio Municipal Police.

Dakong ala-1:30 ng ma­daling araw ng Martes nang salakayin ng mga pulis ang Ditucalan re­sidence at naabutan ang apat na suspek sa kainitan umano ng ka­nilang paghitit ng hinihinalang shabu.

Nakumpsika sa mga suspek ang 3-piraso ng plastic sachet ng umano’y shabu, isang plastic sachet ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana, isang aluminum foil strip, isang alu­minum improvised toother, 2 lighter at isang aluminum roll foil.

Sinaksihan ang pag­huli sa mga suspek ng elected barangay officials ng nasabing barangay at media repre­sentative.

ILLEGAL DRUGS

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with