^

Probinsiya

Suspek sa pagpatay sa lady biker, tukoy na

Omar Padilla - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Natukoy na ng pulisya ang pangunahing suspek sa pagpatay sa dalagitang siklistang natagpuang patay sa madamong lugar ng Bypass Road, Brgy. Bonga Menor, Bustos, Bulacan noong Agosto, 12.

Kinilala ng pulisya ang suspek na si Gaspar Maneja Jr., alyas Jose Francisco Santos.

Magugunita na natagpuan ang bangkay ni Princess Marie Dumantay, 15, Grade 9 student at residente ng Grace Ville, Tower Ville, San Jose Del Monte (SJDM) bandang 9:00 ng umaga sa natu­rang lugar na may mga sugat sa kanang braso at pasa sa leeg.

Natukoy ang suspek sa patuloy na follow up operation ng Bustos police katuwang ang Quezon City police at napag-alaman nila na si Santos ang hu­ling nakitang kasama ng biktima.

Natunton din nila ang sasakyang ginamit ng suspek na Toyota Wigo na may plakang EAE 2913 na nakarehistro sa pangalang Jomer Maneja.

Natunton ng mga otoridad si Maneja na nagsabing simula ­Agosto 2021 ay wala na sa kanya ang sasakyan na ipinasalo niya sa nakakatandang kapatid na si Gaspar na kinasuhan ng kasong rape with Homicide at paglabag sa PD No. 38 (Using Fictitious name and Concealing True Name) sa Office of the Provincial Prosecutor sa Malolos City.

Nabatid na ang suspek ay may tatlong stan­ding warrant of arrest sa dalawang kasong child abuse na may itinakdang piyansa at rape na walang inirekomendang piyansa na inisyu ni Presiding Judge Ma. Cristina Geronimo Juanson ng Family Court, Third Judicial Region Branch 5, SJDM noong Abril 12, 2021.

vuukle comment

BIKER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with