^

Probinsiya

‘Tulak’ kumasa sa buy-bust, todas

Christian Ryan Sta. Ana, Doris Franche - Pilipino Star Ngayon
�Tulak� kumasa sa buy-bust, todas
Kinilala ni P/Lt. Col. Marlon Cudal, hepe ng Muñoz City Police, ang napatay na suspek na si Denmark Flora, nasa hustong gulang ng Barangay Poblacion West ng lungsod na ito.
STAR/File

SCIENCE CITY OF MUÑOZ, Nueva Ecija, Philippines — Patay ang isang hinihinalang tulak ng droga matapos manlaban at makipagbarilan umano sa mga isinagawang buy-bust operation sa Barangay Sapang Kawayan ng lungsod na ito, kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Lt. Col. Marlon Cudal, hepe ng Muñoz City Police, ang napatay na suspek na si Denmark Flora, nasa hustong gulang ng Barangay Poblacion West ng lungsod na ito.

Sa ulat, bandang alas-4:10 ng madaling-araw nang makatransaksyon ng suspek ang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pamumuno ni Cudal sa nasabing lugar.

Nakatunog umano ang suspek na pulis ang kanyang kausap na buyer kaya bumunot umano ng baril at ipinutok sa una na masuwerteng hindi tinamaan ng bala.

Dito na gumanti ng putok ang kasamahan ng police poseur buyer na nakaposte sa lugar at napuruhan ang suspek na agad nitong ikinamatay.

Nakuha sa lugar ang baril ng suspek na caliber magnum .22 revolver na kargado ng bala, isang MK2 fragmentation grenade, 4-gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P26,800 at buy-bust money.

Narekober din sa lugar ang plastic sachet na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na may fruiting tops na nagkakahalaga ng P600, isang motorsiklong Yamaha Nmax at cellphone ng suspek.

vuukle comment

BUY BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with