67-anyos Briton natagpuang patay

Kinilala ng Silang Police ang biktima na si David Anderson Sinclair, 67-anyos, may asawa at retirado, ng Phase 4 Block 66 Lot 9/11, Santa Heights Subdivision, Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.
STAR/File

CAVITE, Philippines — Isang British national ang natagpuang patay sa loob ng kanilang tahanan sa Brgy. Puting Kahoy sa bayan ng Silang.

Kinilala ng Silang Police ang biktima na si David Anderson Sinclair, 67-anyos, may asawa at retirado, ng Phase 4 Block 66 Lot 9/11, Santa Heights Subdivision, Brgy. Puting Kahoy, Silang, Cavite.

Sa ulat ng pulisya, ang misis nito na si Mina Grant, 64-anyos ang nag-report sa kanilang himpilan sa insidente ng pagkamatay ng biktima. Nabatid na alas-4:10 ng madaling araw nang madiskubre ng misis nito ang biktima na wala nang malay. Dahil dito, agad na humingi ng tulong ang ginang upang maitakbo sa pagamutan ang asawang dayuhan.Gayunman, idineklara ng mga manggagamot sa Medical City South Luzon Hospital sa Sta. Rosa City, Laguna na dead-on-arrival ang matandang mister.Nakatakdang isailalim sa awtopsiya ang bangkay ng Briton, ayon na rin sa kahilingan ng kanyang misis, para malaman ang dahilan ng pagkamatay nito.

Show comments