_ngayon
^

Probinsiya

Mister inutas ng ex ng ka-live in

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon
Mister inutas ng ex ng ka-live in
Kinilala ang biktimang si Ariel Mallari, residente ng B1, L18 Delight St., Happy Homes ng nasabing barangay. Habang agad na tumakas ang suspek na nakilalang si Jeff Rosales, nasa hustong gulang, residente ng Barcelona Subdivision ng nasabing barangay.

IMUS CITY, Cavite, Philippines — Nauwi sa pagpatay ang love triangle nang barilin ang 49-anyos na mister ng isang lalaki na ex-lover ng kanyang kinakasama, naganap kamakalawa ng gabi sa loob ng kanyang bahay sa Brgy. Buhay na Tubig ng lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si Ariel Mallari, residente ng B1, L18 Delight St., Happy Homes ng nasabing barangay. Habang agad na tumakas ang suspek na nakilalang si Jeff Rosales, nasa hustong gulang, residente ng Barcelona Subdivision ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon ni PSSg Mark Anthony Salvador, may hawak ng kaso,alas-9:05 ng gabi ay nasa loob ng kanyang bahay ang biktima at nagpapahinga  nang may kumatok sa pinto ng bahay.

Nang buksan ng biktima ang pinto ay nakita ang suspek na galit na galit at hinahanap ang kinakasama nito na si Josette Antillon,43.

Agad pinuntahan ng biktima ang kaniyang kinakasama sa kanilang banyo at sinabing duma­ting ang suspek at hinahanap ito.

Hindi pa man naka­kalabas sa banyo si Antillon nang makarinig na siya nang sunud-sunod na putok ng baril at nang lumabas ay nakita na nito ang biktima na duguang nakahandusay habang wala na ang suspek.

KRIMEN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with