_ngayon
^
Fiscal itinumba ng riding-in-tandem
Ang biktima na idineklarang dead on arrival ay nakilalang si Fiscal Victor Begtang Jr, 49, residente ng Sitio Hanhan, Barangay Malama, Conner­, Apayao at nakatalaga bilang Deputy Ilagan City Prosecutor.
STAR/ File

Fiscal itinumba ng riding-in-tandem

Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - June 25, 2021 - 12:00am

CONNER, Apayao, Philippines  – Isang fiscal ang nasawi nang ito ay pagbabarilin ng riding-in-tandem suspects malapit sa kanyang bahay sa lalawigang ito.

Ang biktima na idineklarang dead on arrival ay nakilalang si Fiscal Victor Begtang Jr, 49, residente ng Sitio Hanhan, Barangay Malama, Conner­, Apayao at nakatalaga bilang Deputy Ilagan City Prosecutor.

Sa ulat, alas-2:20 ng hapon ay kasalukuyang kinukumpuni ng biktima ang kanyang sasakyan sa loob ng kanilang compound nang  lapitan ng dalawang lalaki na sakay ng isang motorsiklo at walang kaabug-abog na pinagbabaril.

Mabilis na tumakas ang mga suspek na nakasuot ng bonnet habang ang biktima ay isinugod sa Conner District Hospital ngunit binawian din ng kanyang buhay dahil sa apat na tama ng bala sa katawan.

Ayon sa mga saksi na nakita nila na tumambay ang dalawang suspek sa isang tindahan ma­lapit sa bahay ng biktima.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa kaso upang malaman ang motibo ng pamamaslang. — Victor Martin

FISCAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with