_ngayon
^

BIFF attack sa Ramadan kinondena

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 11, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Binatikos ni 2nd District  Maguindanao Rep. Esmael “Toto” Mangudadatu ang inilunsad na marahas na pag-atake ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) sa panahon ng Ramadan noong Sabado sa Datu Paglas, Ma­guindanao.

Ayon kay Man­gudadatu ang pag-atake ng mga bandidong BIFF sa banal na panahon ng Ramadan ay patunay lamang na wala silang kinikilala at pinangingilagang Diyos o Allah.

“I condemn the act of violence instigated by the BIFF, especially in a time where the whole world is observing the holy month of Ramadan,” pahayag ni Mangu­dadatu.

Samantalang nakakalungkot din, ayon pa kay Mangudadatu na ilan sa mga recruit ng naturang teroristang grupo ay mga menor-de-edad.

Sinabi ni Mangudadatu na mabuti na lamang na walang hinostage at wala ring nasaktang sa pagpapaputok ng baril ng  mga umatakeng armadong BIFF na nasa 200 ang bilang sa public market ng Datu Paglas noong Sabado ng mada­ling araw.

BIFF
Philstar
  • Latest
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with