_ngayon
^
3 âtulakâ utas sa Nueva Ecija buy-bust
Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang mga nasawi na sina Daniel Lopez ng Barangay DS Garcia, Cabanatuan City; Jared Asuncion ng De Guzman Subdivision, Barangay Bantug Norte, Cabana­tuan City at isang nakilala lamang sa alyas “Jake”.
PSN/ File

3 ‘tulak’ utas sa Nueva Ecija buy-bust

Omar Padilla (Pilipino Star Ngayon) - May 8, 2021 - 12:00am

CABANATUAN CITY, Nueva Ecija , Philippines — Tatlong hinihinalang tulak ng ilegal na droga ang patay makaraan umanong kumasa sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa Mampulog Road, Barangay Bantug Norte ng lungsod na ito, kahapon ng umaga.

Kinilala ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng pulisya rito, ang mga nasawi na sina Daniel Lopez ng Barangay DS Garcia, Cabanatuan City; Jared Asuncion ng De Guzman Subdivision, Barangay Bantug Norte, Cabana­tuan City at isang nakilala lamang sa alyas “Jake”.

Ayon kay Dasugo, alas-5:15 ng umaga nitong Biyernes nang magsagawa sila ng buy-bust sa pakikipag-koordinasyon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa nasabing lugar kung saan nagpalitan ng P500 “marked money” at umano’y shabu ang pulis na poseur buyer at mga suspek.

Aarestuhin na sana ang mga suspek nang bigla silang manlaban na humantong sa shootout at kanilang kamatayan.

Narekober sa lugar ang isang caliber .38 homemade revolver na walang serial number; isang caliber .45 homemade pistol na wala ring serial number;  isang hand grenade; 10 fired cartridge cases ng cal .9mm; 15.5-gramo ng umano’y shabu at 0.50-gramo ng umano’y pinatuyong dahon ng marijuana na may pinagsamang halaga na humigit-kumulang sa P100,000.

Nabatid pa na kabilang umano sa drug personalities watchlist ng pulisya rito ang dalawang suspek na sina Lopez at Asuncion, habang ang ika-3 suspek ay inaalam pa ang pagkakakilanlan, ayon sa pulisya.

BARNARD DANIE DASUGO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with