^
633 katao sa Polangui, Albay na-quarantine
Ito ang inihayag ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na personal na ipinamo-monitor ang status ng 633 nitong kababayan sa Polangui kaugnay ng posibilidad na may nahawa rin sila sa virus.
Boy Santos/ File

633 katao sa Polangui, Albay na-quarantine

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - April 22, 2021 - 12:00am

Na-expose sa PSA enumerator

MANILA, Philippines — Umaabot sa 633 katao sa bayan ng Polangui, Albay ang isinailalim sa home quarantine matapos ma-expose sa isang enumerator ng Philippine Statistics Authority (PSA) na nagpositibo sa COVID-19.

Ito ang inihayag ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda na personal na ipinamo-monitor ang status ng 633 nitong kababayan sa Polangui kaugnay ng posibilidad na may nahawa rin sila sa virus.

Sa kanyang liham kay Claire Dennis Mapa, Na­tional Statistician ng PSA, umapela si Salceda na pan­samantalang ipatigil ang door-to-door at face-to-face na pangapangalap ng data sa mga residente sa kanilang bayan para sa national ID system.

“Some 633 individuals are currently undergoing home quarantine in Polangui, Albay because of an enumerator who tested positive for COVID-19. If infection is confirmed, the enumerator would have been a super spreader,” pahayag ni Salceda.

Binigyang diin ni Salceda na suportado niya ang national ID system at hangad na matapos ito sa lalong madaling panahon para mapabilis ang distribusyon sa mga kinakailangang social program ng pamahalaan pero dapat mangalap ng data sa pa­raang hindi manganganib ang buhay ng mamamayan bunga ng pagkahawa sa virus.

PSA
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with