^
2 âtulakâ todas sa shootout
Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang mga nasawi na sina Roberto dela Cruz alyas “Obet” ng Brgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City at Dickson Billones alyas “Jayson” ng Brgy. Bonifacio District, Cabanatuan City na nakatala sa drug watchlist ng Zaragoza Police.
STAR/File

2 ‘tulak’ todas sa shootout

Christian Ryan Sta. Ana (Pilipino Star Ngayon) - April 11, 2021 - 12:00am

NUEVA ECIJA, Philippines — Patay ang dalawa umanong notoryus na tulak ng droga makaraang manlaban sa isinagawang buy-bust operation ng pulisya sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito noong Biyernes ng gabi at Sabado ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Col. Jaime Santos, provincial director ng Nueva Ecija Police, ang mga nasawi na sina Roberto dela Cruz alyas “Obet” ng Brgy. Mayapyap Sur, Cabanatuan City at Dickson Billones alyas “Jayson” ng Brgy. Bonifacio District, Cabanatuan City na nakatala sa drug watchlist ng Zaragoza Police.

Sa ulat ni P/Lt. Col. Barnard Danie Dasugo, hepe ng Cabanatuan City Police, alas-7:20 ng gabi noong Biyernes nang isinagawa nila ang buy-bust laban kay dela Cruz sa Purok 7, Brgy. Talipapa.

Nang magpalitan ng droga at P500 bill marked money, kumasa umano ang suspek nang magkahalatang pulis ang katransaksyon kaya nauwi sa barilan na kanyang ikinamatay. Nakuha rito ang 25.24 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P171,632; at Colt cal.38 revolver.

Samantala, patay rin ang dayong drug suspect na si Billones nang kumasa sa buy-bust operation ng Zaragoza Police sa Brgy. Carmen, Zaragoza, NE, dakong alas-12:15 ng madaling-araw, kahapon habang nakatakas ang kasabwat nitong sakay ng motorsiklo patungo umano sa bayan ng Aliaga. Nakakumpiska ng pulisya sa lugar ng 14 pang plastic sachet shabu at caliber .38 revolver ng napatay sa suspek. (Joy Cantos)

POLICE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with