5 kawani ng DENR nagpositibo sa COVID-19

MANILA, Philippines — Inilagay kahapon sa apat na araw na lockdown ang pangrehiyonal na tanggapan ng Department of Environ­ment and Natural Resources (DENR) sa Cagayan Valley matapos na limang kawani nito ang nagpositibo sa virus noong Martes.

Bagama’t naisa­gawa na ang disinfection sa buong gusali at pasilidad ng naturang tanggapan, patuloy pa rin na sinusubaybayan ng awtoridad ang kalagayan ng ilang kawani doon.

Sinasabing nakasa­lamuha rin ng ilang nagpositibo ang mga mga dumalo sa pagtitipong isinagawa sa DENR nang magsayaw ang mga kawani sa tapat ng kanilang tanggapan noong Marso 4.

Ang aktibidad ay bilang pagsalubong sa International Women’s­ Month na may temang: ”Juana Laban sa Krisis, sa Kalikasan at Pan­demya!”

Show comments