^

118 call center agents nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - March 5, 2021 - 12:00am

BAGUIO CITY, Philippines — Pumalo sa 118 call center agents ang nagpositibo sa COVID-19 sa lungsod na kahapon.

Bagama’t nakapanlulumo, ay sinabi ni City Mayor Benjamin Magalong na inaasahan niyang dadami pa ang kaso kasunod ng patuloy na contact tracing at expanded testing operation sa sektor ng Business Process Outsourcing (BPO) companies sa lungsod.

Aniya sa isang BPO company lang ay hindi bababa sa 500 ang em­pleyado ng mga ito.

Kamakailan ay pinulong ng  Mayor ang mga kumpanya ng BPO na kanyang hinilingan ng suporta upang masigurong COVID-19 free ang kanilang hanay.

Tinutustusan ng kumpanya ang mga empleyadong naghihintay ng resulta sa RT PCR at isinailalim muna sa quarantine.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with