Wanted sa kasong rape arestado
Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen. Valeriano De Leon, kinilala ang suspek na si Alejandrino Dela Cruz nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar.
STAR/ File
Wanted sa kasong rape arestado
Gary Bernardo (Pilipino Star Ngayon) - October 22, 2020 - 12:00am

CAMP OLIVAS, San Fernando, Pampanga, Philippines —  Bumagsak na sa kamay ng pulisya ang isang lalaki na suspek sa kasong panggagahasa matapos masakote sa lungga na pinagtataguan nito sa Brgy, Sta. Rosa, Concepcion, Tarlac kamakalawa.

Sa ulat buhat sa tanggapan ni Police Regional Director P/Brig. Gen. Valeriano De Leon, kinilala ang suspek na si Alejandrino Dela Cruz nasa hustong gulang, residente sa nasabing lugar.

Sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Jeovannie Ordono ng Regional Trial Court Third Judicial Region Branch 109 sa Capas, Tarlac, sa kasong rape na walang inirerekomendang piyansa, hindi na nagawang makapalag pa ang nasabing suspek sa mga awtoridad na siya ay arestuhin at posasan.

Kasalukuyang nakaditene sa Concepcion Muni­cipal Police Station ang akusado para sa kaukulang disposisyon.

VALERIANO DE LEON
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with