Buntis at tiyahin sinuwag ng pickup, patay
Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Judith Pabilonia, 28, at tiyahin na si Norieta Cabela, 58, pawang residente ng Brgy. Buenavista sa nasabing bayan.
STAR/File
Buntis at tiyahin sinuwag ng pickup, patay
Doris Franche (Pilipino Star Ngayon) - September 19, 2020 - 12:00am

3 pang poste ng kuryente sinalpok

MANILA, Philippines — Kapwa lasog ang isang 3-buwang buntis at tiyahin nito matapos na tumilapon sa kalsada nang tumbukin ng isang pickup truck ng isang lasing na bumangga pa sa tatlong poste sa kahabaan ng Brgy. Ibabang Butnong, Magdalena, Laguna kamakalawa.

Nakilala ang mga nasawing biktima na sina Judith Pabilonia, 28, at tiyahin na si Norieta Cabela, 58, pawang residente ng Brgy. Buenavista sa nasabing bayan.

Agad namang na­aresto ang driver ng To­yota Hi-Lux na si Romeo Mejilla 40, na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting in double homicide and damage to property.  

Ayon kay  P/Capt. Ronalyn Larrosa, hepe ng Magdalena Police,  alas-11 ng umaga habang magkaangkas sa motorsiklo ang mga biktima nang aksidenteng mabundol ng rumaragasang pickup truck na minamaneho ni Mejilla. Tumilapon ang magtiyahin at agad na nasawi sa lugar.

Tinumbok din umano ng pickup ang tatlo pang poste ng kuryente na humantong sa pagbaligtad ng sasakyan ni Mejilla na sinasabing nasa impluwenya ng alak. 

Nagtamo rin ng mga pasa at sugat sa katawan ang suspek na nakakulong na sa Magdalena Police Station.

PATAY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with