^

Probinsiya

Kagawad nilikida ng tandem

Rho­derick Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Bumulagta ang isang barangay kagawad makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem sa bahagi ng Bautista St., Brgy. Dadiangas North, General Santos City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Abdulmajid Ma­malumpong, konsehal ng Barangay Baluan sa nasabing siyudad.

Sa ulat, alas-8:00 ng umaga nang makarinig ang mga residente ng limang putok ng baril sa lugar bago natagpuang nakahandusay at duguan ang konsehal sa tabi ng daan. Ayon sa mga pulis, may nakalap silang impormasyon na sakay diumano ng kulay pulang Raider 150 ang mga suspek na bumaril sa kagawad.

Dead-on-the-spot ang kagawad matapos magtamo ng mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

vuukle comment

KAGAWAD

RIDING IN TANDEM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with