^

Publiko binalaan sa panibagong investment scam

Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - June 16, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Muling nagpalabas ng panibagong babala ang pamunuan ng Securities and Exchange Commission-Davao Extension Office (SEC-DEO) sa publiko hinggil sa muling paglipana na naman ng mga illegal investment scheme.

Sa inilabas na paha­yag ni SEC-DEO Ronnie John Dohina Barrientos, nakabase umano sa General Santos City ang panibagong investment scheme na nag-aalok sa mga tao na mamuhunan sa kompanyang Crowd1. Nairehistro umano ang nasabing kompanya sa ilalim ng Crowd1 Asia Pacific Inc.

Ang babala ay inilabas ng Commission’s Enforcement and Investor Protection Department (EIPD) matapos na ipahinto ang operasiyon ng Crowd1 noong nakaraang buwan.

Patuloy umano ang ope­rasyon ng Crowd1 sa kabila ng pagpapalabas ng Cease and Desist Order ng commission.

“If proven guilty for violating the Securities Regulations Code (SRC), individuals who act as salesmen, brokers, dea­lers or agents that solicit illegal investments may be held criminally liable under Section 28 of the SRC and penalized with a maximum fine of PHP5 million or imprisonment of 21 years or both pursuant to Section 73 of the SRC,” pahayag ni Barrientos.

Kung mapatunayan ang paglabag ay paparusahan din ang mga opisyales ng Crowd1 sa ilalim ng “Bayanihan to Heal As One Act” hinggil sa pakikilahok sa cyber at pagsasamantala sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.

Sinabi pa ng commission na may isang pinakabatang milyonaryo na kumikita umano ng P10 milyon sa loob lamang ng walong buwan sa Crowd1, ang nag-aalok sa mga tao na mamuhunan sa kanilang kompanya, gamit ang social media platforms nang walang pahintulot mula sa SEC. 

INVESTMENT SCAM
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with