Kinilala ang biktima na si Alex Tizon, 66-anyos, konsehal sa lungsod ng Bayawan.
STAR/ File
Konsehal itinumba ng tandem
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 19, 2020 - 12:00am

NEGROS ORIENTAL, Philippines — Patay ang isang konsehal makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Brgy. Villareal, Bayawan City, Negros Oriental kahapon ng umaga.

 Kinilala ang biktima na si Alex Tizon, 66-anyos, konsehal sa lungsod ng Bayawan. Siya ay dead-on-the-spot sa tinamong mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

 Sa ulat ni Police Regional Office (PRO) 7 director P/Brig. Gen. Albert Ignatius Ferro, alas-10:40 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang Izusu Sportivo (FHM 231) galing sa Bayawan City at binabag­tas ang national highway nang sundan ito ng riding-in-tandem.

 Ayon kay Lt. Col. Mardy Hortilloza, spokesperson ng PRO 10, pagsapit sa lugar ay biglang nag-overtake ang motorsiklo ng mga suspek sa behikulo ng biktima. Armado ng hindi pa natukoy na kalibre ng baril, bigla na lamang pinaputukan ng sunud-sunod ng mga salarin ang nasorpresang opisyal.

 Narekober sa lugar ang apat na piraso ng cartridge at mga basyo ng bala ng cal. 9mm.

ALBERT IGNATIUS FERRO
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with