^
Abogado, driver todas sa ambush
Kapwa dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na kinilalang sina Atty. Anselmo Montemayor Carlos, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Cabangcalan, Floridablanca, Pampanga at driver nitong si Marcial Perez Mendoza ng Sta. Maria, Bulacan sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo, leeg at iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.
STAR/File

Abogado, driver todas sa ambush

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - January 29, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines – Isang abogado at driver nito ang napaslang makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-trio sa may tapat ng isang simbahan habang bumabagtas ang mga biktima sa highway sa Sta. Rita, Pampanga  nitong Martes ng umaga.

Kapwa dead-on-arrival sa ospital ang mga biktima na kinilalang sina Atty. Anselmo Montemayor Carlos, nasa hustong gulang, residente ng Brgy. Cabangcalan, Floridablanca, Pampanga at driver nitong si Marcial Perez Mendoza ng Sta. Maria, Bulacan sanhi ng mga tinamong tama ng bala sa ulo, leeg at iba’t ibang bahagi ng kanilang katawan.

Sa report ni P/Capt. Renemer James Pornia, hepe ng Sta. Rita Municipal Police Station (MPS), dakong alas-9:10 ng umaga habang lulan ang abogadong si Carlos ng kulay itim na Toyota Camry (ZMD-630) na minamaneho ni Mendoza at binabagtas nila ang kahabaan ng highway ng Brgy. San Vicente, Sta. Rita nang bigla silang dikitan ng Honda Wave 115 lulan ang tatlong suspek, pagtapat sa San Vicente Parish Church. Armado  ng cal. 45 pistol, bigla na lang pinagbabaril ng dalawang angkas ng motorsiklo ang kotse ng mga biktima bago sila tumakas.

Tinitingnan na ng pulisya ang mga CCTV camera sa pinangyarihan ng ambush at mga posibleng dinaanan ng mga suspek. Iniimbestigahan pa ang motibo sa pagpatay na posibleng may kinalaman sa trabaho ng abogado na ikina­damay ng driver nito.

ABOGADO
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with