Sa inisyal na ulat, habang minamaneho ng biktima ang isang kulay itim na Ford Raptor (NDL–2796) lulan ang dalawang ‘di pa nakilalang babae at tinatahak ang NLSA Road sa nasabing barangay nang pagdating sa Purok Masagana ay pinagbabaril sila dakong alas-3:15 ng hapon.
STAR/File
Driver-bodyguard ng investment scheme, nilikida
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - January 25, 2020 - 12:00am

MANILA, Philippines — Pinabulagta ng hindi pa nakilalang gunman ang isang 41-anyos na Lumad na sinasabing drayber at bodyguard ng isang trabahante ng ‘‘Kabus Padatuon Ministry International, Inc.’’ na isang investment scheme sa Purok Masagana, Brgy. San Isidro, General Santos City kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Bresnev Morada, 41, tubong Agusan Del Norte at pansamantalang nakatira sa Agan North, General Santos City.

Sa inisyal na ulat, habang minamaneho ng biktima ang isang kulay itim na Ford Raptor (NDL–2796) lulan ang dalawang ‘di pa nakilalang babae at tinatahak ang NLSA Road sa nasabing barangay nang pagdating sa Purok Masagana ay pinagbabaril sila dakong alas-3:15 ng hapon.

Agad na nasawi sa insidente si Morada habang nakaligtas ang mga sakay nito.

Narekober ng SOCO sa crime scene ang pitong mga empty shell ng kalibre .45 na pistol at dalawang mga bala ng 5.56 armalite rifle.

INVESTMENT SCHEME
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with