Panadero tiklo sa buy-bust!

Droga sa pandesal

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Dinak­ma ng mga awtoridad ang isang 29-anyos na panadero matapos matiklo sa pagtutulak ng droga na isinisilid nito sa supot ng ibinebentang pandesal kasunod ng ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa Barangay Atulayan Sur ng lungsod na ito kamakalawa.

Kinilala ni City Chief of Police Lt. Colonel George Cablarda ang arestado na si Jefrey Nicolas na residente    rin ng nasabing lugar. 

Sa report, dalawang sachet ng shabu ang nasamsam kay Nicolas kapalit ng buy-bust money na tinanggap mula sa isang undercover agent sa harap ng City impounding area.

Nabatid na malimit ikinukubli ni Nicolas sa supot ng pandesal ang mga ibinebentang droga sa kanyang mga kliyente.

Show comments