2 Sayyaf sumuko
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 15, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines – Dalawang miyembro ng mga bandidong Abu Sayyaf Group (ASG) ang boluntaryong sumurender sa tropa ng militar sa bayan ng Imelda, Zamboanga Sibugay, nitong Huwebes ng umaga.

 Kinilala ni Captain Clint Antipala, tagapagsalita ng Army’s 1st Infantry Division (ID), ang mga nagsisuko sa mga alyas na “Jolo Usman” at “Jul”, ng Talipao, Sulu na pawang mga tauhan ni ASG-Sub Commander Sibih Pisih.

 Bandang alas -8:30 ng umaga kahapon nang sumuko ang mga ito sa Army’s 44th Infantry Battalion (IB) sa pamumuno ni Lt. Col. Don Templonuevo.

Isinuko rin ng mga ito ang dalawang garand rifles sa kanilang pagbabalik-loob sa pamahalaan.

Kasalukuyan nang isinasailalim sa masusing tactical interrogation ng militar ang mga nagsisukong miyembro ng bandidong grupo.

 

 

SAYYAF
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with