Mag-asawa durog sa road mishap
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 21, 2019 - 12:00am

MANILA,Philippines — Patay ang mag-asa­wa matapos na magkadurogdurog ang katawan matapos na gumulong sa kalsada ang sinasakyang motorsiklo at masagasaan ng truck sa Lasang Highway Initao, Misamis Oriental, inulat kahapon.

Kinilala ang mga nasawi na sina Tito Tecson, 48, at asawa nitong si Roselia Tecson, kapwa ng Barangay Iponan, Misamis Oriental.

Nasa kustodya na ng pulisya ang driver ng trak na si Rey Oran ng Bagong Taas, Valencia City, Bukidnon. Sinabi ni Police Lt. Noli Maderse, deputy commander ng Initao Police Station na nangyari ang aksidente nang mag-overtake ang sinasakyang motorsiklo ng mag-asawa, pasado alas-7:00 ng umaga nitong Sabado.

Nawalan ng kontrol si Tito sa minamaneho nitong motorsiklo kung kaya’t gumulong sila sa gitna ng daan at nabangga ng tumatakbong truck na kanilang ikinasawi.

MAG ASAWA PATAY ROAD MISHAP
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with