Tinyente dedo sa trak
Joy Cantos, Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - October 16, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Isang tinyente ng pulisya na dadalo sa schooling ang nasawi makaraang aksidenteng suwagin ng humahagibis na truck ang sinasakyan nitong motorsiklo sa Brgy. Tamugan, Marilog District, Davao City kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Lieutenant Aliper Mendoza, nakatalaga sa Police Regional Office (PRO) 10, ng Brgy. Apitong, Lala, Lanao del Norte at kasalukuyang sumasailalim sa pagsasanay ng PNP Regional Training Center XI.

Ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival sa Isaac Robillo Hospital sanhi ng malubhang sugat na tinamo sa katawan. Si­nabi ni Captain Nolan Tagsip, spokesman ng Davao City Police, alas-5:30 ng umaga habang minamaneho ng biktima ang kanyang BMW 1000 motorcycle nang aksidenteng mabangga ng Isuzu truck (ANA 7568) sa pakurbadang bahagi ng Davao–Bukidnon national highway sanhi upang tumilapon ang opisyal sa daan.

Arestado naman ang driver ng trak na si Julito Ancajas, 55, na nahaharap sa kasong kriminal.

DEAD ON ARRIVAL
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with