2 trike nagsalpukan: Empleyado dedo

Kinilala ni P/Major Bernie Faldas ng T’boli Police ang biktima na si Andreu Cuevas, 37-anyos, at nakatira sa Algeria, President Roxas, North Cotabato. Siya ay dead-on-arrival sa insidente dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

MANILA, Philippines — Patay ang isang private employee matapos ma­ka­salpukan ng minamaneho nitong motorsiklo ang isa pang motorsiklo sa Brgy. Pob­lacion, T’boli, South Cotabato, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ni P/Major Bernie Faldas ng T’boli Police ang biktima na si Andreu Cuevas, 37-anyos, at nakatira sa Algeria, President Roxas, North Cotabato. Siya ay dead-on-arrival sa insidente dahil sa tinamong matinding pinsala sa katawan.

Sa ulat, pasado alas-5:00 ng hapon nang makasalpukan ng Kawasaki motorcycle ng biktima ang kasalubong na Honda XRM 125 motorcycle ni Fejay Dipasucat, 21, binata, minero habang angkas si James Claude Quinilog, 23, pawang nakatira sa Brgy. Kematu, T’boli na kapwa nasugatan sa aksidente.

Show comments