Killer ng 14-anyos sa septic tank, huli
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - May 23, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Nasa kustodya na ng PNP-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) ang security guard na panguna­hing suspek sa pagpatay sa isang 14-anyos na dalagita na itinapon pa sa septic tank noong Abril 8 sa Cebu City.

Sinabi ni P/Lt. Col. Marygrace Madayag, spokesperson ng PNP-CIDG, dakong alas-7:30 ng umaga kamakalawa nang arestuhin ng CIDG Cebu City ang suspek na si Jessie Mediquillo sa Brgy. Lahug sa lungsod ng Cebu.

Si Mediquillo, 34-an­yos ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa biktimang si Thesa Marie Ygay na umano’y kanyang nobya matapos pukpukin ng matigas na bagay sa ulo.

Ang biktima ay napaulat na nawawala noong Abril 6, 2019 at natagpuan sa septic tank ang bangkay nito sa bisinidad ng Cogon Cruz Integrated School sa Danao City.

Ang suspek ay ina­resto sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Josefa Pinza-Ramos, presiding judge ng Regional Trial Court (RTC) Branch 25 ng Danao City.

Ayon sa suspek, siya umano ang sumasagot ng mga bayarin sa eskuwelahan ni Ygay simula noong 2012. Inamin nito na pinaslang niya ang biktima dahil sa matin­ding galit matapos na makipagkalas ito sa kanya dahil may iba nang boyfriend.

JESSIE MEDIQUILLO THESA MARIE YGAY
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with