Bus vs tricycle: 1 dedo, 3 sugatan

MANILA, Philippines — Patay ang isang ginang habang tatlo pa ang malubhang nasugatan makaraang aksidenteng mabangga ng isang pampasaherong bus ang kasalubong nitong tricycle sa kahabaan ng highway ng Brgy. Natatas, Tanauan City, Batangas nitong Martes ng hapon.

Kinilala ang nasa­wing biktima na si Rowena Doctor, dead-on-arrival sa CP Reyes Hospital sanhi ng tinamong grabeng sugat sa kanyang katawan.

Patuloy namang nila­lapatan ng lunas ang mga sugatang sina Erwin Manaig, driver ng Yamaha tricycle; mga pasahero nitong sina Nancy Dolso at Teodoro Concepcion.

Sa ulat, alas-4:30 ng hapon habang bu­mabag­tas sa nasabing lugar ang Yamaha tricycle na minamaneho ni Erwin Manaig nang aksidente itong suwagin ng kasalubong na Nissan Daewoo bus (0532205) na minamaneho ni Silvestre Olimpiado.

Ang bus at ang tricycle na minamaneho ni Manaig at may sakay na tatlong pasahero ay kapwa patungo sa Tanauan City proper nang aksidenteng magsalpukan. Sa lakas ng pagkakabangga, nasawi sa ospital ang isa sa babaeng pasahero ng tricycle.

 Nasakote naman sa follow-up operation ng pulisya ang driver ng bus matapos nitong takasan ang krimen.

Show comments