^

Probinsiya

Re-electionist SB member, utol utas sa ambush

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Re-electionist SB member, utol utas sa ambush
Kapwa nasawi noon din bunsod ng mga ti-namong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Michael Garcia, re-electionist SB member; at ang kapatid nitong si Mark Garcia, na dating Association of Brgy. Captains (ABC) president ng Moises Padilla.

MANILA, Philippines — Karahasan ang umiral sa isang election campaign matapos mapatay ang isang re-electionist na miyembro ng Sangguniang Bayan (SB) at kapatid nito na dating presidente ng Association of Brgy. Captains (ABC) na mula sa maimpluwensyang angkan ng mga pulitiko nang ambusin ng nasa 30 armadong kalalakihan naganap sa Brgy. Inolingan, Moises Padilla, Negros Occidental nitong Huwebes.

Kapwa nasawi noon din bunsod ng mga ti-namong tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan sina Michael Garcia, re-electionist SB member; at ang kapatid nitong si Mark Garcia, na dating Association of Brgy. Captains (ABC) president ng Moises Padilla.

Mapalad namang na­kaligtas sa pamamaril ang kapatid ni Mark na si Vice Mayor Ella Garcia-Yulo ng Moises Padilla.

Ayon kay Western Visayas Police Director Police Brigadier Ge-neral John Bulalacao, bandang  alas-10:10 ng umaga, nang mangyari ang pananambang sa mga biktima habang abala ang mga ito sa pangangampanya sa lugar kaugnay ng nalalapit na May 2019 elections.

Nabatid na si Vice Mayor Garcia-Yulo ay tumatakbo naman sa pagka-alkalde na mahigpit na katunggali ni incumbent Mayor Magdaleno Peña.

Samantalang kabilang naman sa motibo ng krimen na masu-sing iniimbestigahan ng pulisya ay pulitika at posible ring panana-botahe na kagagawan ng mga armadong banta sa seguridad sa lalawigan. 

vuukle comment

NEGROS OCCIDENTAL AMBUSH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with